Usap-usapan ang panayam kay social media personality Rendon Labador hinggil sa pahayag niya hinggil sa pagtaas ng presyo ng itlog.

Sa panayam ng News 5 kay Rendon na mapapanood sa social media platforms nito, natanong si Rendon kung anong masasabi niya sa pagtaas ng presyo ng itlog.

Sagot ng social media personality, "Nagagalit ako kasi ang taas na ng presyo ng itlog, hindi na kami papayag, apektado 'yong fitness industry, lalong-lalo na 'yong mahihirap nating kababayan."

"Nananahimik ako sa gym eh. Pero 'pag ganito, hindi ako makakapayag na ganito 'yong mangyayari sa atin. Gawan n'yo ng paraan 'yan, gawin ninyo ang lahat para mapababa ang presyo ng itlog."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Paliwanag ni Rendon, ang itlog ay hindi mawawala sa mga pagkaing kailangang kainin ng mga nagji-gym, atleta, at maging mga taga-food industry, at halos lahat.

"Lahat ng kumakain ng itlog, magsama-sama tayo, magwelga tayo, hindi pupuwede 'yan, kasi 'yong mahihirap nating kababayan, ulam na nila 'yan eh...."

Bukod sa pagtaas ng presyo ng itlog, ikinababahala rin ni Rendon ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na aabot pa hanggang 2024.

"Eh ang ipinagtataka ko, wala namang shortage, wala namang bird flu, bakit pataas nang pataas?"

Kawawa raw dito ang mahihirap o taumbayan dahil nararamdaman niya ang paghihirap nila.

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kinauukulan hinggil dito.