Bagamat inaasahan naman niya, inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na masama ang loob niya kay Senador Risa Hontiveros.

Ito’y matapos maghain ni Hontiveros ng resolusyon sa Senado na humihimok sa pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Hontiveros hinimok pamahalaan na makipagtulungan sa ICC

Nitong Martes, hiningan si Dela Rosa ng reaksyon tungkol sa resolusyong inihain ni Hontiveros.

“I expected from her na magpa-file siya na ganoon dahil kung mayroon tayong Makabayan Bloc sa Lower House, mayroon naman tayong Senator Risa Hontiveros dito sa Senado. So expected ko na ‘yan galing sa kaniya,” ani Dela Rosa.

“Masama talaga [ang loob ko], masama. I have to tell you frankly,” aniya pa. “[because] of all the people, siya pa talaga.”

Matatandaang naging kaklase ni Dela Rosa sa Philippine Military Academy (PMA) class of 1986 ang yumaong asawa ni Hontiveros na si Francisco Baraquel Jr.

Dagdag pa ng senador, kahit na ginagawa lang ni Hontiveros ang trabaho nito ay personal para sa kaniya ‘yon dahil isa umano siya sa mga iimbestigahan ng ICC sakaling matuloy ito.

“But anyway, baka sabihin niya trabaho lang walang personalan. Then sa akin that’s very personal. Kahit sabihin mong trabaho mo ‘yan, that’s very personal to me because I am one of the subjects na iimbestigahan.”

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na nararamdaman niyang kailangan na niyang maghanda sa maaaring mangyari lalo na’t siya ang tumayong Philippine National Police (PNP) chief nang magsimula ang madugong giyera kontra droga sa bansa.

MAKI-BALITA: Bato sa pahayag ni PBBM hinggil sa posibleng pagbabalik ng PH sa ICC: ‘I should be ready’

Samantala, wala rin umano siyang planong makipag-usap kay Hontiveros tungkol sa nasabing resolusyon.

“Hindi ako plastik na tao na when I say masama ang loob ko, sasabihin ko talagang masama ang loob ko sa’yo. Hindi ako plastik na tao. Smile, smile ka parang ngiting kabayo ‘yun pala sasaksakin mo pala sa likod ‘yung ningingitian mo. Hindi kasi ako ganoong tao. Prangka ako,” ani Dela Rosa.

Sinabi rin ni Dela Rosa na kahit masama ang loob niya ay mapapatawad niya pa rin si Hontiveros.

“Kahit expected ko na masama pa rin ang loob ko,” aniya. “Nagpapatawad nga ang Diyos, ako pa hindi magpapatawad? Either magpapatawad ako, masama pa rin loob ko.”