Sa kaniyang mga X post nitong Biyernes, Nobyembre 24, tila may sagot ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga patutsada sa kaniya ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“Bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak!!!!!!!!!!!!!!!!! Funny funny funny! Very very very very!!!!!” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa sumunod namang post ay may in-upload siyang gif.

Matatandaang sunod-sunod ang patutsada ni Cristy kay Vice matapos umano siyang paringgan nito sa “It’s Showtime.”

“Ang hirap kasi sa’yo, Vice, mula nang ikaw ay nakatikim ng popularidad, inangkin mo na ang mundo na ikaw na ang gitna, ikaw ang araw at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa iyo. Dapat mong malaman na planeta ka lang din na tulad namin. Hindi ikaw ang araw,” isa sa mga pasaring ng showbiz columnist.

Maki-Balita: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’

Nag-react kasi si Cristy tungkol sa pagpaparinig umano ni Vice. Sa isang segment kasing “Me Choose, Me Choose” ng nasabing noontime show, may isang contestant na ang pangalan ay “Cristy.”

“Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” tanong ni Vice.

Maki-Balita: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” saad ng showbiz columnist.

Maki-Balita: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’