Nakatanggap na ng ayuda ang 232 kaanib ng National Liberation Front (MNLF) sa Marawi City nitong Linggo, Nobyembre 12.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Northern Mindanao, tig-₱45,000 ayuda ang natanggap ng mga nasabing miyembro ng MNLF sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance.

Paliwanag ng DSWD, ang nasabing financial assistance ay gagamitin ng mga miyembro ng MNLF sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan hanggang sa ito ay lumago.

Itutuloy ang payout sa Martes, Nobyembre 14, para sa 246 pang benepisyaryo, anang ahensya.

Layunin ng programa na matulungang maging produktibo at makatayo sa sariling paa ang mga benepisyaryo.

Idinagdag pa ng DSWD, ipinatutupad ang programa sa tulong ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).