Ibinahagi ni social media personality Ninong Ry ang isang larawan kasama ang comedy genius na si Michael V. o “Bitoy” sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa nasabing larawan, makikitang ginaya ni Bitoy ang hitsura ni Ninong Ry mula buhok hanggang outfit. Long hair din ito at nakasuot pa ng itim na t-shirt habang nakasombrero.

“Sa wakas!!!! Abangan sa Bubble Gang 28th anniversary!!! Salamat idol Michael V.!!!” saad ni Ninong Ry sa caption ng kaniyang post.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Ninong ry at ninong v”

“Ang cute Po ninyo para kayong twin hehehe”

“going tlga no Michael V lodi tlga🤪❤️❤️❤️”

“Magkamukha😄”

“Solid❤️❤️❤️”

“cno ka jan?”

“wow bigtime kn ninong.”

“TANK BUILD YUNG ISANG MICHAEL V ah? 😆”

“OMG! which is which?”

“Hahaha my ka twin kna Ninong 🤣🤣🤣”

“Ang cute ng 2 Ninong Ry or should I say 2 Bitoy🤣Double the fun...let's do it with the Bubble Gang♥️♥️♥️”

Medyo nalito ko,🤔galing👏mo tlga sir toybits💖”

Hindi ito ang unang beses na ginaya ni Bitoy si Ninong Ry. Matatandaan na noong Mayo ay nagbahagi siya ng larawan sa kaniyang Instagram account kung saan kuhang-kuha niya ang hitsura ng social media personality-chef.

MAKI-BALITA: Michael V ginaya si Ninong Ry: ‘Legit ba idol Bitoy? Naexcite ako!’