Sinigawan at minura ni former Hashtag member Nikko Natividad ang showbiz columnist na si Ogie Diaz matapos niyang masaktan sa hampas nito sa kaniyang bisig.

Sa video na ibinahagi ni Nikko noong Miyerkules, Nobyembre 8, sa kaniyang Instagram account, mapapanood na winoworkshop siya ni Ogie sa pag-arte gamit ang famous line na “Hayup ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impyerno!”

“Sorry mama @ogie_diaz nadala ako. Hindi ko po sinasadya. Kaya natatakot ako maging actor baka hindi ko mapigilan feelings ko🫣😭😭Tingin nyo? Pwede naba ako sa LINLANG?” saad ni Nikko sa caption ng kaniyang post.

Sa kalagitnaan kasi ng workshop, tila nadala ng emosyon si Nikko matapos siyang hampasin ni Ogie sa bisig sa ikatlong pagkakataon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya tumayo si Nikko at pumihit paharap kay Ogie para komprontahin ito. Doon na siya sumigaw at nagmura sabay bigkas ng “Hayup ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impyerno!”

Mabilis naman siyang inawat at pinakalma ng mga kaibigan niyang sina Zeus Collins at Kid Yambao. Nang mahimasmasan, agad siyang nag-sorry kay Ogie. 

Umani naman ng mga nakakatuwang reaksiyon mula sa mga kapuwa celebrity ni Nikko ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Chie Filomeno: "HAHAHAHHAHAHAHHAHAHA GAGI!!!!🤣"

Andrew Muhlach: "Taena tawa ako ng tawa hahahahahahahahahahahaha"

Zeus Collins: “HAHAHAHAA”

Hendrix Jim: “Gagiiii 😂”

Kristof Garcia: “hahahhahhahahahahahahaahha baliw!!!! 😂😂😂😂😂😂😂😂 andito ako now sa Watsons., nilapitan ako ng mga nag aalok diko sila makausap kasi tutok ako sa post mo na to!!! tawang tawa padin ako till now hayop ka!!!!! 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂”

Enchong Dee: “😂😂😂😂😂😂😂😂😂”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, may mahigit 65k likes at 778k views na ang nasabing video.