Nakiramay ang social media personality na si Rendon Labador sa pagpanaw ng actor-comedian na si Joey Paras noong Linggo, Oktubre 29 sa edad na 45.
Sa isang Instagram post nitong Nobyembre 1, ibinahagi ni Rendon ang ilan sa mga larawan nila ni Joey.
“RIP Joey Paras!!! 🙏🙏🙏 Condolences po sa pamilya ni brother Joey Paras,” aniya.
“Noong panahong hindi pa tayo motivational speaker at sa bundok pa nakatira. #BTS #Bekikang2013,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Matatandaang inanunsyo ng kamag-anak ng komedyante, na nagngangalang Kim Cabrillas, ang pagpanaw ng aktor sa isang Facebook post.
“To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023, at 5:40 pm. Unfortunately, his heart wasn’t able to recover anymore,” anang kapamilya ni Joey.
Maki-Balita: Actor-comedian Joey Paras, pumanaw na