Tinulungan ng social media personality na si Rendon Labador ang may-ari ng kotseng na-stranded dahil lumubog ang sasakyan nito sa putik.

“EMERGENCY SA DAAN!!!⚠️ Almost 1 hour na silang hindi makaalis, tulungan muna natin,” saad ni Rendon sa kaniyang Facebook account nitong Linggo, Oktubre 29.

Dagdag pa niya: “Thank you to The Mango Park, Zambales crew for the assistance!🙏”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa video na ibinahagi niya, akala nila karaniwang araw lang ang magiging tour nila sa nasabing lugar. Hanggang sa may nadaaanan nga silang kotseng nabalaho dahil sa lakas ng ulan. Kaya huminto mula sila para tingnan kung ano ang puwede nilang itulong.

Halos isang oras na umanong nakalubog ang kotse sa putik dahil hindi umano 4x4 ang sasakyang humihila kaya bigong maiahon ang kotse ng unang pick up na sumaklolo. 

“Buti na lang at dito kami dumaan sa ruta nila. Kapag walang hihila sa ‘yo sa ganitong sitwasyon hindi ka na makakaalis,” sabi pa sa video.

Matapos ang ilang oras na paghihintay, tagumapy na naiahon ang kotse mula sa pagkakalubog sa putik.

Tila tuloy-tuloy na ang “pagbabagong-buhay” ni Rendon matapos bumalik ang kaniyang Facebook account mula noong mabura ito.

MAKI-BALITA: Rendon ‘LabLabLabador’ balik-Facebook: ‘Namiss n’yo ba ako?’

MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na