Hindi pinalagpas ng kontrobersiyal na basketball player at aktor na si Ricci Rivero ang pasaring sa kaniya ng isang basher na sa halip na manood ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball games, maglaba na lang siya sa bahay.

Matatandaang naispatan ng mga netizen si Ricci kasama si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista na magkasamang nanonood sa UAAP.

Nag-flex pa ang dalawa ng parehong larawan sa kani-kanilang Instagram story kasama ang tatay ni Ricci na si Ruzcko Rivero. Alegasyon ng mga netizen ay tila pa-"soft launch" na raw ito ng dalawa, kahit wala naman at wala pa silang kinukumpirma hinggil sa estado ng kanilang "friendship."

Anyway, okray nga ng isang basher, huwag na siyang manood at maglaba na lang siya sa bahay. Nangyari ito sa X world (dating Twitter).

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"MAGLABA KA NA LANG PLS WAG KA NA MANOOD NG UP GAMES," banat ng netizen sa ex-boyfriend ni Kapamilya star Andrea Brillantes.

Naka-tag pa rito ang X account ng basketbolista.

Pero kagaya sa basketball game ay hindi ito inurungan ni Ricci.

"ah wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida."

Matatandaang naging usap-usapan ang nabanggit ni Andrea kay Vice Ganda na may dati siyang nakarelasyong hindi nagpapa-laundry sa loob ng isang taon.

Walang binanggit na pangalan si Blythe pero ikinokonekta ito kay Ricci dahil nga siya ang recent ex ng aktres.

Hindi rin naman nilinaw ni Blythe o ni Ricci ang tungkol sa bagay na ito, kaya sa tuwing nakikita ng madlang pipol si Ricci, ganito na ang banat sa kaniya sa social media.

Isa pa sa mga ipinupukol ngayon kay Ricci ay ang pag-deny pa raw ni Leren tungkol sa kanila noon, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

Subalit habang isinusulat ang balitang ito, wala pang tiyak at kongkretong kumpirmasyon o pahayag mula sa kampo ng dalawa kung nag-level up na ba talaga ang kanilang ugnayan sa isa't isa.

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

MAKI-BALITA: Ricci, Leren magkasamang nanood ng UAAP game; flinex ang isa’t isa