Pinusuan ng mga netizen ang "The Voice of the Philippines" coach na si Bamboo Mañalac matapos maging "to the rescue" kay Popstar Royalty Sarah Geronimo-Guidicelli habang kumakanta ito ng "Himala" sa EC Convention Center sa Cebu City, gabi ng Oktubre 13, 2023.

Batay sa mga kumakalat na video sa social media, tila hindi maganda ang kondisyon ng boses ni Sarah dahil minamalat ito.

Hindi nito kinaya ang isang bahagi ng kanta na may mataas na nota, kaya tinawag niya ang atensyon ni Bamboo, na hindi naman nagdalawang-isip na saluhin siya.

Kahit na ganoon, umupo lamang si Bamboo sa tabi ng banda at ibinigay pa rin ang spotlight kay Sarah.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Si Sarah naman, himalang nakabuwelo at na-hit naman ang matataas pang nota, sa suporta na rin ng crowd. "Himalang" natapos naman niya ang pag-awit para sa mga dumalo at nasasabik na mapanood siya.

Puring-puri naman ng mga netizen sina Sarah, lalong-lalo na si Bamboo.

"when coach Bamboo came in right away🥺🥺🥺🥺🥺"

"Kahit kay Regine nangyayari 'yan. Sarah G is Sarah G, wala na siyang dapat pang patunayan!"

"loveu coach bamboo ☺️☺️☺️nice voice Sarah g"

"she’s tired but she didnt wanna disappoint yung pumunta. very professional pa rin!"

"Grabi professionalism ni Sarah kagabi kahit paos na, the show must go on. Truly an idol! 🫶🏼🫶🏼😘😘❤️❤️."

Nagkasama sina Bamboo at Sarah bilang coach sa "The Voice PH."