July 23, 2026

Home BALITA National

Senior citizen, nanalo ng ₱39M sa Lotto; gagamitin ang pera pantubos ng isinanlang ari-arian

Senior citizen, nanalo ng ₱39M sa Lotto; gagamitin ang pera pantubos ng isinanlang ari-arian
PCSO/WEBSITE

Pumaldo ng mahigit ₱39 milyon ang isang lalaking senior citizen sa General Santos City matapos manalo sa Lotto 6/42 noong Marso 5, 2026. 

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakailan, nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 33-32-18-01-10-04. 

Kinubra ng ng senior citizen ang kaniyang premyong ₱39,385,042.44 matapos ang validation process sa PCSO. 

Ayon sa lucky winner na isa ring PWD, 10 taon na siyang tumataya sa lotto at halos araw-araw ang kaniyang pagtaya. 

“Sa mga katulad naming PWD, nakatatak sa utak namin na dapat laging positibo sa buhay,” aniya. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Dagdag pa niya, gagamitin niya ang napanalunan sa pantubos ng mga isinanlang ari-arian, at pagnenegosyo. 

Samantala, binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.