Nagpadala na ng pormal na letter of request ang Philippine Olympic Committee (POC) sa International Olympic Committee (IOC) na humihingi ng pahintulot na makalaban bilang amateur ang dating senador at tinaguriang "Pambansang Kamao" na si Manny Pacquiao para sa 2024 Paris Olympic Games.

Ayon sa isang media conference kaugnay ng Asian Games noong Linggo ng gabi, Oktubre 8, sinabi ni POC President Abraham "Bambol" Tolentino, nagpadala na sila ng liham sa kinauukulan para sa nabanggit na request, sa bisa ng "universality rule."

"Sumulat na kami sa IOC bago pumunta dito [sa Pilipinas]. Request and appeal na iyon na i-consider siya sa universality route," paliwanag niya.

Ang nabanggit na "universality rule" ay isang special privilege na ibinibigay ng IOC sa mga bansang medyo "hirap" na makasungkit ng panalo sa Olympics.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Pacquiao ay nasa boxing condition pa raw kaya nararapat lamang daw na maisama siya sa line-up ng mga atleta sa pinaghahandaang Olympics.

Matatandaang noong Disyembre 2022, nilabanan ng “fighting pride of Gensan” si South Korean Mixed Martial Artist DK Choo at naipadapa ito, patunay na namamayagpag pa rin si Pacquiao sa boxing career niya.

Samantala, wala pang update mula sa IOC kung request granted ba ang hiling ng POC.