Pinagtagpi-tagpi nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Oktubre 9, ang mga detalyeng nagpapahiwatig na buntis na umano ang nag-iisang “Popstar Royalty” na si Sarah Geronimo.

Nag-post kasi si Sarah sa kaniyang X account noong Setyembre 29 para sa fans niya tungkol sa postponement ng nakatakdang concert nila ni Bamboo sa Pampanga.

“Hi guys.. I’m so sorry we have to reschedule our Pampanga show due to medical reasons. 😞 Thank you for your support and understanding.. my dear Popsters,” pahayag ni Sarah.

Mula Oktubre 1 inilipat ang petsa ng concert sa Oktubre 29.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagkaroon tuloy ng espekulasyon ang madla na baka buntis umano ang singer dahil tila wala naman itong sakit at mukhang masigla naman.

“So, mayroon pong mga nagkuwento sa amin. Naku, mukhang ito na po ‘yun. Pregnant na raw,” pagbubunyag ni Cristy.

“At umaasa tayo na ito na ang magdudugtong sa kanilang mag-ina [Sarah at Mommy Divine],” sundot ni Romel.

Matatandaang hindi tanggap ng ina ni Sarah ang asawang si Matteo Guidicelli.

MAKI-BALITA: Matteo, ‘di pa rin matanggap ng parents ni Sarah – Balita

Sa katunayan, may kuwento pa umano na tinangkang makipag-usap ng mag-asawa sa magulang ni Sarah pero hindi sila pinapasok sa village.

Sa katunayan, may kuwento pa umano na tinangkang makipag-usap ng mag-asawa sa magulang ni Sarah pero hindi sila pinapasok sa village.

MAKI-BALITA: Matteo at Sarah, hindi raw pinapasok sa village nina Mommy Divine at Tatay Delfin?

Pero hiling ni Matteo, sana ay maging maayos rin umano ang lahat balang-araw.

MAKI-BALITA: Matteo sa kaniyang relasyon sa mga biyenan: ‘Sana balang araw maging okay ang lahat’ – Balita

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksiyon, o tugon nina Sarah at Matteo kaugnay sa pagkakaroon nila ng anak. Bukas ang Balita sa kanilang panig.