Hindi raw sang-ayon ang social media personality na si Rendon Labador sa pagsibak sa isang pulis na nag-viral kamakailan dahil sa pagpapahinto sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Saad ni Rendon sa kaniyang Instagram story nitong Biyernes, Oktubre 6, hindi raw tama ang ginawang pagsibak sa pulis dahil sumusunod lamang daw ito sa utos.
“Bakit yung pulis ang sinibak agad? Kawawa naman, sumusunod lang naman yan sa utos. Hindi naman tama yan,” aniya.
“Ang tanong ko, sino yung dumaan? Dapat yun ang sinisibak sa pwesto!” dagdag pa niya.
Patutsada pa niya, kawawa raw ang kapulisan dahil palagi umanong sina-sakripisyo ang mga ito para raw luminis sa “katangahan” ng mga pulitiko.
“Hindi ako sang-ayon sa pagsibak nung pulis! Ginagawa lang niya ‘yung trabaho niya. Ang sibakin ninyo kung sino yung dumaan. Sino ba ‘yun?”
Matatandaang nitong Huwebes, humingi ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) Police Station 14 hinggil sa pagpapahinto ng isang pulis sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil dadaan daw ang isang “VIP.”
“I have ordered the relief of my policeman and put him under investigation to determine administrative liability for his actions. We assure the public that this incident will not happen again,” ani PLtCol May Genio ng Station Commander PS 14.
Maki-Balita: Pulis sa viral video na nagpahinto ng trapiko sa QC, sinibak sa pwesto