Muling nagsagawa ng rotation at resupply mission ang tropa ng pamahalaan sa Ayungin Shoal kamakailan.
Ito ang inanunsyo ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong Miyerkules.
Sa pahayag ng NTF-WPS, matagumpay ang resupply mission sa kabila ng pangha-harass ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese maritime militia sa Ayungin Shoal.
"Despite attempts by a significant number of China Coast Guard (CCG) and Chinese Maritime Militia (CMM) vessels to block, harass, and interfere with the routine RORE mission, Philippine supply ships Unaizah May 1 and Unaizah May 2, escorted by PCG vessels BRP Cabra (MRRV-4409) and BRP Sindangan (MRRV-4407), successfully reached BRP Sierra Madre," pagdidiin pa ng NTF-WPS.