Usap-usapan ang video ng GMA/Sparkle artist na si "Mariel Pamintuan" matapos niyang sagutin ang komento ng isang TikTok follower na nagsabing bet din niyang maging artistang hindi sikat.

Sa isinagawang "Confessions of a Starlet #1 Chika minute muna habang di pa sikat…" ay ibinahagi ni Mariel ang kaniyang

Habang nagmumuk-ap si Mariel, sinabi niyang hindi rin madali ang pinagdaraaan ng isang "starlet" o artistang hindi pa ganoon kasikat o kaningning ang bituin ng career.

Ikinuwento nga niya ang tungkol sa kaniyang karanasan hinggil sa "sampalan scene" ka-eksena ang bida ng isang nasamahang serye.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon kay Mariel, sinabihan daw siya ng producer na huwag lalakasan o pekein lamang ang sampal sa ka-eksena na itinuturing na "big star."

Ngunit pagdating daw sa kaniya, tinotoo at napalakas ang sampal sa kaniya.

Biro na lamang ni Mariel, mabuti raw at kinunan ulit ang eksena at this time ay "nakaganti" na siya rito.

Nasabi rin ni Mariel na normal sa showbiz na "binubully" ng big stars ang mga "starlet" na nagsisimula pa lamang. Ayaw raw kasi ng ilan na may ka-kompetensya, kaya hindi pa man nakikilala ay agad na silang "binubura."

May isa pa raw artista na minura siya habang nagto-throw lines sila o nagbabatuhan ng linya.

Para kay Mariel, iniipon lamang niya ang mga karanasan siya at hindi nagsusumbong, dahil pakiramdam niya ay normal lamang itong pagdaanan sa mga kagaya niyang nagsisimula pa lamang. Ito raw ang magsisilbing "portfolio" niya kung sakaling maabot na niya ang stardom.

Kung anuman daw ang maging resulta ng kaniyang pagtitiyaga at pagtitiis sa ngayon ay ayos lamang sa kaniya. Dito raw niya malalaman kung para nga ba siya sa showbiz o hindi.

Matatandaang si Mariel ang na-bash nang husto nang pabiro niyang "okrayin" ang mga pagkain sa naganap na kauna-unahang GMA Gala noong 2023.

MAKI-BALITA: Sparkle artist na dinaot-daot ang lasa ng pagkain sa GMA Gala Night, nag-sorry