Isang malaking pasabog ang isiniwalat ni Kapuso star Ruru Madrid sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Setyembre 19.

Sa pamamagitan kasi ng rewinder na ginamit ng karakter niya sa pelikulang “Video City”, isa-isa nilang binalikan ni Tito Boy ang nakaraan. At isa sa mga binalikan nila ay ang Grade 5 teacher ni Ruru na niligawan umano ng aktor.

“Sobrang ganda niya. Tapos, ako nung Grade 5 ako talagang binibigyan ko siya ng bulaklak. Tapos, ako ‘yung parang sipsip na estudyante na ‘Ma’am, ako na po magbubuhat niyan; Ma’am, ako na po magdadala niyan; Ma’am, ano pong gusto n’yo bibilhan po kita’. Lagi pong ganun,” pag-amin ng aktor.

Pero ang mas nakakawindang, nag-confess pa raw si Ruru kay Teacher!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Uwian na umano noon. Saktong sila na lang dalawa ni Teacher ang naiwan sa classroom. Hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon. Lumapit siya kay Teacher. Nangyari ang mga dapat mangyari.

“Ma’am, matagal-tagal na rin po akong nanliligaw sa inyo…Sabi ko, uhm, baka po pwedeng maging tayo na.”

Nagtawanan sila ni Tito Boy sa rebelasyong ito ni Ruru. Ang kaso, taken na pala si Ma’am. At hindi lang ‘yun, ikakasal na pala next week noong time na ‘yun.

Tanong tuloy ni Tito Boy, “umiyak ka?”

“Na-hurt ako. Na-hurt nang malala,” sagot niya.

Pero ngayon, happy na siya sa kaniyang love life. Matatandaang sumalang din si Ruru kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” at inamin niya dun na first time niya umanong maging seryoso sa relasyon.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid, isa-isang nilinaw ang isyu tungkol sa kaniyang love life