Naghahanap ang "Wais na Misis" na si Neri Naig-Miranda ng mga taong mapagbibigyan niya ng vegetable seeds na puwedeng itanim sa bakuran, o kaya naman ay kahit sa mga paso o water containers na hindi na nagagamit o patapon na.

Mababasa sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 14, marami raw siyang ekstrang pananim kaya puwede niya itong ibigay sa iba. Kasabay nito ang panghihikayat sa publiko na magkarooon ng "edible garden." Ibig sabihin, ang mga tanim sa bakuran ay puwedeng pitasin upang kainin, ulamin, o isahog sa ilulutong pagkain.

"Ang dami kong vegetable seeds! Sinong may gusto? Kahit walang bakuran, pwede magtanim sa paso. Dali, mamimigay ako ng mga seeds! Para mabawasan ang stress ng mga nagba-budget sa bahay. Kung pwede rin sana mga eggs namin sa farm kaso baka mabasag pagdating sa inyo eh," ani Neri.

"Sharing is caring. Sharing goodvibes at sharing blessings. ❤️ Yung top 50 na mag comment, papadalhan ko ❤️."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Giit pa ni Neri, marami raw paraan sa mga taong madiskarte.

"Mahalaga na matuto na [magkaroon] ng edible garden lalo na nung naexperience [natin] ang pandemya. Maaaring may advantage ako kase may bakuran kami. Pero kung may kahit maliit na space sa bakuran o veranda nyo, pwede po magtanim sa paso o sa mga water containers. Maraming paraan sa mga taong madiskarte."

Bukod sa pagtatanim sa bakuran ay may farm ang mag-asawang Neri at Chito sa Alfonso, Cavite.

Photo courtesy: Neri Naig-Miranda's IG via Agriculture Magazine

Matatandaang umani ng kritisismo mula sa mga netizen ang kaniyang ipinost na ₱1k weekly meal plan, na as of the moment ay burado na.

MAKI-BALITA: Neri binura ang inokray na ₱1k weekly meal plan

Ayon kasi sa mga netizen, hindi ito makatotohanan, at para nga raw noong presyuhang 1995 ang ginawang budget plan ni Neri. Hindi raw ito nakakawais.

MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens

Ipinagtanggol din siya ng kaniyang mister na si Chito Miranda mula sa bashing.

MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri