Tila hindi rin sang-ayon si forensic pathologist Dr. Raquel Fortun sa ₱1,000 weekly meal plan batay sa naging reaksiyon niya sa kaniyang X account nitong Biyernes, Setyembre 15.
“Food for 1 wk? Tatlo kami. And it’s supposed to be leftover night tonight? Oh my 😖” saad ng doktora sa caption ng kaniyang X post.
https://twitter.com/Doc4Dead/status/1702633971820134794
Hindi rin tuloy napigilan ng netizen na magbahagi ng parehong sentimyento:
“As they say, if its too good to be true, its a lie…”
“Ang ibig bang sabihin nito eh magsanay na tayo sa leftover dinners. kaya nga tayo nagtratrabaho para ma bigyan natin ang sarile ng magandang buhay, hinde tayo nag work para pakainin, pagtravel at ipkamakam ang yaman ng bayan. Tapos Tayo tiis lang hay naku, 31m yn pinile nyo.”
“Gigil ako kasi sasawa n ko s kakatipid tapos laki tapos puro confidential funds”
“Kasya naman, basta mag water therapy 🤣😭😭”
“Lutong ulam sa mga tindahan ranges from 50-100pesos per viand without rice pa yun. Good for 2-3 person or 1person if medyo malakas kumain. May mga tanim kami s paso, Pero sili lang yung may bunga. Ang hirap talaga sa mga out of touch sa reality to saya na kaya ang 1k per week”
“I'm actually at 2k for 3 to 4 days (2 adult, 1 toddler) me and my kid we don't eat that much cause food quality don't reach our taste /satisfied us. For exemple, in europe we ate half we eat here. No rice. And belly was full. 1 week of grocery there for 7ppl : 6000 pesos.”
“doc baka mapagalitan kayo nung asawa 🤭”
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang hindi umano wais na ₱1000 meal plan ni Neri Miranda.
MAKI-BALITA: ₱1K weekly meal plan ni Neri Miranda, hindi ‘wais’ sey ng netizens
Ipinagtanggol pa ito ng asawang si Chito Miranda dahil gusto lang naman umanong tumulong ni Neri.
MAKI-BALITA: Chito Miranda, sinagot ang mga basher ni Neri