Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ₱15,000 cash assistance sa mga micro rice retailer sa Parañaque City nitong Lunes, Setyembre 11.

Sa social media post ng ahensya, ang ibinibigay na tulong ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nito kung saan ang makikinabang ay mga kuwalipikadong rice retailer na tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 129 retailers ang inaasahang makatatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan.

Ipinatutupad ang distribusyon ng ayuda alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tulungan ang small-scale business owners na direktang apektado ng implementasyon ng price ceilings sa bigas.

Nitong Sabado, sinimulan ng gobyerno, sa tulong ng DSWD, ang pamamahagi ng cash aid Quezon City, Caloocan at San Juan.