Muling nagparamdam sa social media ang komedyanteng si "Awra Briguela" matapos ang balitang nagsampa siya ng kontra-demanda sa nakaalitang personalidad sa isang bar sa Poblacion, Makati na naging dahilan din kung bakit siya nakulong.

Nakalabas ng kulungan si Awra matapos makapagpiyansa subalit patong-patong na kaso umano ang inihain sa kaniya ni Mark Christian Ravana.

Anyway, muli ngang bumulaga si Awra sa kaniyang Instagram account nitong Setyembre 7 para sa promotion ng kanilang proyektong "Comedy island" na mapapanood sa Prime Video.

Ibinahagi ng komedyante ang ilang mga BTS o behind-the-scenes photos ng kanilang shooting. Kasama niya sa mga larawan ang ilang cast members kabilang na si Andrea Brillantes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"quick cute selfies on the set. 🎥🎬," aniya sa caption.

"finally the complete episodes of Comedy Island is now available on Prime Video. 🤍."

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Mapapansing maka-limit lamang ang mga netizen na puwedeng maglapag ng komento sa nabanggit na post.

Hindi ito ang unang beses na nag-post sa socmed si Awra matapos ang insidente.

Noong Agosto 9, nag-post si Awra sa X upang i-promote ang nabanggit na serye.

MAKI-BALITA: Awra Briguela muling nagparamdam sa socmed matapos ang kinasangkutang isyu

Samantala, nilinaw naman ng talent manager niyang si Unkabogable Star Vice Ganda na hindi niya bibitiwan bilang alaga si Awra at sasamahan ito sa laban niya.

MAKI-BALITA: Vice Ganda nagsalita sa tsikang binitiwan na niya si Awra Briguela