Matapos ang kaniyang trending na "Date or Pass" vlog kasama ang mga kaibigang sina Danica Ontengco, Bea Borres, at Criza Taa na nakasama niya sa seryeng "Kadenang Ginto," tila inawat, pinakakalma, at pinagpapahinga ng mga netizen si Kapamilya star Andrea Brillantes, pagdating sa kaniyang love life.

Pinag-usapan kasi ng mga netizen ang very vocal niyang pagkakasabi na gusto niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si baseball player Jakob Poturnak, at nanawagan pa nga siya rito dahil single naman daw siya sa ngayon.

"I would definitely date. Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya 'Hey, I'm Jakob.’ Gwapong-gwapo na ako sa kaniya dati pa," pag-amin ni Blythe.

At walang pag-aatubiling "nagparamdam" na nga ang aktres kay Jakob.

'I'm single now!' Andrea Brillantes bet maka-date si Jakob Poturnak

“Hi, Jakob! If you're watching, I'm single now. Pero if taken ka, baka pwede 'yung sister mo na lang. I would date Erika," aniya.

Bukod kay Jakob, bet ding maka-date ni Andrea si Gilas Pilipinas basketball player Kai Sotto.

"I think I would date," paliwanag ni Andrea.

"Wala lang, para lang masabi na I dated a 7-footer before."

https://balita.net.ph/2023/08/26/dahil-7-footer-andrea-bet-maka-date-si-kai-sotto/

Matatandaang ang ex-boyfriend ni Andrea ay si Ricci Rivero na isa ring basketball player.

Sa comment section naman ng iba't ibang news sites na nag-ulat nito kabilang ang Balita, iisa lang ang sinasabi at ipinapayo ng mga netizen sa aktres: kumalma at magpahinga muna siya!

"Teh pahinga ka muna hahaha hayan ka na naman sa first move mo!"

"Ayan ka na naman baka mabudol ka tihhh... pahuway muna... you're still young... enjoy your younger years..."

"Naku baka mag-baby talk na naman yarn..."

"Pahinga ka muna, ang bata mo pa. Kalma ka lang, focus on your career and much better on your studies, hayyst paano ka irerespeto ng mga boys."

"Ipahinga mo muna 'yang ano mo... kulang ka yata sa parental guidance."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Jakob at Kai tungkol dito.