“Very proud.”

Ito ang pahayag ni Manay Lolit Solis habang nanonood daw siya ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Lunes, Hulyo 24. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, sinabi ni Lolit na lahat naman daw ng mga naging presidente ng bansa ay suportado niya. Ipinagkakatiwala raw niya sa mga ito ang desisyon kung ano ang dapat gawin sa Pilipinas. 

“Very proud ako habang nanunuod ng SONA Salve. Ewan ko ba pero eversince lahat ng Presidente natin suportado ko. Iyon bang talagang ipinagka katiwala ko sa kanila lahat ng desisyon gusto nila gawin sa Pilipinas,” ani Lolit.

Dagdag pa niya, “siguro kung minsan iniisip ko na may mas magandang desisyon, pero like a good follower I always respect my leader. Iniisip ko kasi binigyan tayo ng chance pumili, ito ang pinili natin to lead us, then we should and must follow the leader.”

Ayon pa sa batikang kolumnista, mararamdaman daw kay PBBM ang pagiging “warmth” and “sweetness” kapag kasama raw ito. 

Para kay Lolit, namana raw ng pangulo ang sweetness kay dating First Lady Imelda Marcos, at ang pagiging work-driven naman daw ay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. 

Kuwento pa niya tinapos daw niya ang SONA at masaya raw siya sa pagpapakita ng suporta ng Senado at Kongreso kay PBBM. Natuwa rin daw siya sa pagdalo nina Senador Bong Revilla, Senador Jinggoy Estrada, at Senador Lito Lapid; mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez; at mga politiko na sina PM Vargas at Congressman Sandro Marcos. 

Kung malakas pa raw sana si Lolit ay pipilitin niya si Usec. Honey Rose Mercado na bigyan siya ng imbitasyon sa SONA dahil historical daw ito.