Diretsahang inihayag ng talk show host na si Ogie Diaz ang kaniyang napapansin sa Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl.”

Sa latest &t=1331s">YouTube video na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Lunes, Hulyo 17, isa sa mga natalakay nina Ogie at ng kaniyang co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, bukod sa isyung tila hindi raw umano masaya si Herlene sa nakuhang title, ay ang pagiging “unprofessional” umano ni Herlene sa showbiz.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Ogie at sinabing, parang nase-sense raw niya ang tila “paglaki” ng ulo ni Herlene.

“Parang nasilip ko talaga, parang nase-sense ko ‘yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol, sorry to say ha. Oh, kaibigan natin si Momshie, Momshie Wilbert, pero sana hindi ito senyales ng paglaki ng ulo,” aniya.

Herlene Budol, ‘napagsabihan’ ni Ogie Diaz

“Kasi naririnig ko eh, sa GMA, ‘yong mga pagiging unprofessional ni Herlene din, doon sa taping ‘di ba, at dito rin ‘pag uma-attend siya ng rehearsals ng Miss Grand eh nale-late din siya,” dagdag pa niya.

Pag-uusisa naman ni Mama Loi, itinanong niyang ulit kay Ogie kung totoong may pagka-unprofessional nga ba talaga si Herlene.

“Pero hindi nga, totoo nay? Ano ba, may pagka-unprofessional daw ba si Herlene?” tanong ni Mama Loi.

“Oo, iyon ang naririnig natin. At sana no, lalo na eh sinusubo na lang sa’yo ‘yong mga pagkakataon, ‘yong oportunidad, i-grab mo, ingatan mo, mahalin mo, pahalagahan mo. Kasi nakikita ko talaga, feeling niya sikat na siya. Feeling niya sikat siya,” sagot ni Ogie.

Sa huli, tila binigyang-paanyaya ni Ogie si Herlene na sagutin kung bakit may mga ganoong sumbong na nakararating umano sa kaniya.

“Iyon ang mga nababalitaan natin, ‘yong pagiging unprofessional ni Herlene. Oo, lalo na sa call time. Late-late. Tapos sa call time ng mga rehearsals nale-late din siya. Baka sabihin naman nila ako naman pupukulin nila, ako iba-bash nila, eh sige, sagutin ‘yan ni Herlene kung bakit nangyayari ‘yan, bakit may ganong sumbong sa akin na siya ay napaka-unpro,” aniya.

“Kaya sana lang no, mabago ‘yong pananaw ko, ‘yong tingin ko kay Herlene, na sana hindi ito totoo,” huling sey ni Ogie.

Samantala, may sey rin si Ogie sa isyu tungkol sa tila usap-usapan ng netizens na mukhang hindi raw umano masaya si Herlene sa nakuhang title sa Miss Grand International Philippines 2023.