Inilunsad ng Meta nitong Huwebes, Hulyo 6, ang “Threads”, isang bagong text-based social media platform na pantapat daw sa Twitter.

“Meet Threads, an open and friendly public space for conversations,” ani Meta chief executive at Facebook founder Mark Zuckerberg sa kaniyang social media post.

“It takes the best parts of the Instagram experience and creates a new experience for text, ideas, and sharing what’s on your mind… I am looking to the fun journey ahead to turn this into the kind of big and friendly community that I think we all want to see in the world,” dagdag nito.

Available na umano ang Threads sa app store.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Samantala, inilunsad ng Meta ang Threads sa gitna ng mga isyu umano sa Twitter na pinamamahalaan ni Elon Musk.

Kamakailan lamang, inanunsyo ni Musk na pansamantala nilang nililimitahan ang bilang ng tweets na maaaring makita o mabasa ng isang user kada araw.

MAKI-BALITA: Twitter, nilimitahan bilang ng tweets na pwedeng makita ng users kada araw