Hindi napanalunan ang mahigit sa ₱202 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6-digit winning combination na 31-04-52-54-10-56.
Inaasahan naman ng PCSO na madadagdagan pa ang ₱202,796,480.80 na premyong nakalaan sa nasabing draw
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 draw nitong Hunyo 4 ng gabi matapos hindi mahulaan ang winning combination na 31- 13- 24- 33- 09- 26 na may jackpot na ₱15,840,000.
Noong Disyembre 30, 2022, nasa ₱521 milyon ang tinamaan ng dalawang mananaya sa draw ng 6/58 Ultra Lotto.
Nahulaan ng dalawang taga-Davao City at Tacloban sa Leyte ang winning combination na 01-23-15-03-08-05.
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 draw ay tuwing Martes, Huwebes at Linggo.