Maisasakatuparan na sa wakas ang balitang kumakalat last year na magiging Kapuso na ang actor-singer na si Matteo Guidicelli.

Minsan nang naudlot ang pag-oover da bakod sa GMA-7 ng mister ni Popstar Royalty Sarah Geronimo dahil sa conflict ng project na naiatang ng kaniyang management last year.

Ngayon tuloy na tuloy na nga ang matagalang pagtapak ni Matteo sa Kapuso Network. Kinumpirma ito ng King of Talk Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” na career move na masasabi para kay Matteo.

Naka-set na nga raw ang pirmahan ng kontrata sa Mayo 11 kasama ang pamunuan ng GMA Public Affairs. Matatandaan na ilang beses nang nakita ang aktor na nakikipag-meeting sa GMA Network at GMA Public Affairs executives na hudyat ng paglalatag sa bagong chapter ng kaniyang career.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa husay ba naman sa hosting ni Matteo hindi maikakaila na may pagsisidlan talaga siya sa mga show ng GMA-7. Plus isa rin siyang singer na may magandang maiaambag ang kanyang talento. Kaya naman daw sa Friday sasalang si Matteo sa show ni Boy Abunda na for sure magsisilbing pa-welcome na rin sa singer-actor.

Saad pa sa ulat, nakapag-shoot na umano si Matteo ng plug kasama ang Public Affairs officials ng GMA-7 nitong Sabado.

Para sa kaalaman ng iba ang Viva Artists Agency ang nagpapatakbo sa career ni Matteo.