Sinaluduhan ang isang security guard sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magsauli ng napulot na pitaka, na may lamang 1.5M Japanese yen o katumbas ng ₱615,708.

Nakilala ang sekyu na si Crispin Toquero, na noong Abril 29 ay maayos lamang na ginagampanan ang kaniyang duty sa NAIA Terminal 2 arrival area, nang maispatan niya ang isang pitaka na naiwan ng isang pasaherong Japanese, na nasa sahig.

Toquero discovered the wallet abandoned on the floor outside the NAIA T2 customs zone and near several money exchange booths.

Agad na ipinagbigay-alam ni Toquero sa mga airport police ang kaniyang nakita. Nang mga sandaling iyon ay naghahanap na rin pala sa kaniyang nawawalang pitaka ang Japanese tourist na si Kiyoshi Fukasawa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isang kaibigang Pilipina naman ang nag-attest na ang nawawalang pitaka ay kay Fukasawa.

Ayon sa panayam kay Toquero, hindi raw niya maaatim na kunin ang isang bagay na hindi niya pag-aari. Ito raw ay turo sa kaniya ng mga magulang. Ilang beses na raw siyang nakapulot ng mga gamit na naiiwan ng pasahero at ibinabalik naman niya ang mga ito, sa abot ng kaniyang makakaya.

“Pinalaki po ako ng magulang ko nang tama. Ilang beses na po ako nakapulot sa airport ng mga naiiwan ng pasahero, pero hindi ko po inisip na ito ay pag-interesan,” aniya.

“Mahirap lang po kami pero hindi ko po kaya ipakain sa pamilya ko ang pera na galing sa masama,” dagdag pa.

Proud na proud naman ang misis ni Crispin batay sa kaniyang Facebook post.

"Ika nga, 'No legacy is so rich as honesty,' I salute you my love ❤️talagang napakabuti mong tao. Sobrang proud ako sa iyo," aniya.

Si Toquero ay may asawa at dalawang anak, at tubong Candon, Ilocos Sur.