Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa pamahalaan nitong Huwebes, Mayo 4, na magkaroon ng contingency plan para sa agri-fisheries sector sa gitna ng banta ng El Niño na magbibigay umano ng malubhang epekto sa kanilang kabuhayan.

Sa pahayag ng Pamalakaya, sinabi nitong mas mahihirapan silang mangisda tuwing El Niño dahil sa nananatili ang mga isda sa mas malalim na bahagi ng karagatan kung saan mas malamig ang temperatura.

Nagiging sanhi rin umano ang El Niño phenomenon ng mga ecological disturbances tulad ng pagkamatay ng mga isda at red tide dahil sa mababang antas ng dissolved oxygen sa tubig.

"In Laguna de Bay for instance, fishes acquire an unpleasant, earthy taste and smell (gilik) due to their submersion in deep waters, causing a drop in their farm gate prices," saad ng Pamalakaya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"This results in a further diminution of income for small-scale fishers and, consequently, leads to hunger for their dependent families,” dagdag nito.

Kamakailan lamang ay sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang 2023 El Niño Mitigation and Adaptation Plan nito ay magsusulong din ng drought-tolerant at maagang pagkahinog ng mga pananim, organic fertilizer, at mga pagsasaayos sa kalendaryo ng pagtatanim.

Noon lamang Martes, Mayo 2, naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng El Niño alert kung saan maaari umanong unang maranasan ang El Niño sa Hunyo, Hulyo, at Agosto hanggang sa unang quarter ng 2024.

BASAHIN: PAGASA, naglabas ng El Niño alert