Dahil sa pagdiriwang ng Labor Day, sinuspindi muna ang implementasyon ng number coding scheme o Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) sa Metro Manila sa Mayo 1.

Idinahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules, isang regular holiday ang Mayo 1 (Labor Day) batay na rin sa Proclamation No. 90.

Nangangahulugan lamang na puwedeng bumiyahe sa lansangan sa National Capital Region (NCR) ang mga sasakyang may ending na 1 at 2 sa kanilang plaka.

Ibabalik sa Martes, Mayo 2, ang implementasyon ng number coding kung saan huhulihin ang mga behikulong may ending na 3 at 4 sa registration plate.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC