Sinimulan na ng Twitter ang malawakang pag-alis nito ng blue check marks na sumisimbolo ng pagiging verified ng account ng high-profile users tulad ng mga mamamahayag, politiko, at celebrities.

Sa ulat ng Agence France Presse, nagsimula umanong mawala ang check mark ng high profiles account nitong Huwebes, Abril 20.

Nauna nang sinabi kamakailan ng may-ari ng plataporma na si Elon Musk na aalisin ang blue check marks na inilarawan niyang “lords & peasants system”.

Inalok naman ni Musk ang pagbebenta ng nasabing asul na verification mark sa lahat ng Twitter users sa halagang $8 kada buwan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“Widespread verification will democratize journalism & empower the voice of the people,” tweet ni Musk noong nakaraang taon.