Ibinahagi ng Vivamax star na si AJ Raval na pinaalis na niya ang dalawang implants sa kaniyang boobey, ayon sa kaniyang latest social media post.

Makikita ang litrato ng jowa ni Aljur Abrenica na ngiting wagas habang hawak-hawak ang dalawang implants na isinalpak sa kaniyang dibdib, at ngayon, ay tuluyan nang nakaalagwa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod dito, kitang-kita rin ang flat na flat niyang tiyan at ang kurbada ng kaniyang katawan.

Sa presscon ng pelikulang "Crush Kong Curly" noong 2021 katambal si Wilbert Ross, inamin ni AJ na gusto na niyang ipatanggal ang breast implants dahil nabibigatan at hindi siya komportable rito.

Ayon naman sa isang ulat, hindi raw niya napag-isipang mabuti ang kaniyang nagawa kaya medyo may regrets siya kung bakit nagpadagdag pa siya ng boobelya.

Tanong ng netizens, ano raw kaya ang sey ni Aljur dito?