Kaabang-abang ang magiging papel ni Elisse Joson sa pagpasok nito sa ABS-CBN teleserye na ‘Dirty Linen.”

Nagulat ang mga tagasubaybay nang nasabing teleserye sa teaser na inlibas sa episode nito kagabi, Marso 22, kung saan ipinakita ang karakter na Sophie Madrigales, na siyang gagampanan ni Elisse.

Sa nasabing teaser, makikita na ang karakter ni Elisse ay ex-girlfriend ni Aidan Fiero na siyang ginagampanan ni Zanjoe Marudo.

“I will make you love me again, Aidan. Walang makakapigil doon kahit na sino," sey ni Sophie sa teaser na inilabas.

Elisse Joson, flinex bagong hairstyle pero iba napansin ng netizens!

Umani naman ng reaksiyon mula sa fans ang pagpasok ni Elisse sa teleserye at tila may bagong panggigigilan ang netizens dahil sa malaking posibilidad na maging balakid ang karakter ni Elisse sa mga planong paghihiganti ng karakter ni Janine Gutierrez na si Alexa.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga litrato ni Elisse matapos niyang i-flex ang pantay-balikat na hairstyle.

Napansin ng mga netizen na tila may nagbago sa kaniyang mukha at tila naging hawigan na raw nina Nathalie Hart at Sarah Lahbati.

Mapapanood ang “Dirty Linen” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV 5.