Binansagang “The best kuya” ng netizens ang direktor at aktor na si Coco Martin dahil hindi lang sa pag-akting siya “the best” kundi pati na rin sa kaniyang pagiging mabuting anak at kapatid.

Naikuwento ng aktor na ang tagumpay na kaniyang natatamasa, ang ilang parte nito’y napupunta sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga kapatid.

Sa isang panayam ni Bernadette Sembrano, ani ng aktor, matagal na niyang wish ang magkaroon ng sari-sariling bahay at negosyo ang kaniyang apat na kapatid.

PANOORIN: https://youtu.be/kNppFkWfWIc

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Gusto ko kung ano mang meron ako hindi man pantay, at least gusto ko maayos din sila.

“Ang ginawa ko, pinatayuan ko sila ng kaniya-kaniyang bahay, pero nasa iisang compound kami. Nasa iisang village kami, kaya ang tendency, hindi man kami nasa iisang bahay pero ngayon magkakalapit pa rin kami,” kuwento ni Coco.

Hindi lang umano ito ang naibigay niya para sa kaniyang mga kapatid. Bukod sa bahay, nabigyan din niya ito ng mga negosyo.

Labis naman ang pagpapasalamat ng aktor sa mga nagtiwala sa kaniya at nagbigay ng endorsement.

"Ginawa ko rin, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagtiwala sa'kin na mga endorsements ko, binigyan ako ng franchise. Binigay ko ngayon sa mga kapatid ko. kaya nagkaroon sila ng mga kaniya-kaniyang negosyo,” dagdag pa ng aktor.