Nagsalita na ang social media personality at talent manager na si Wilbert Tolentino tungkol kay Zeinab Harake, ilang buwan pagkatapos ng kanilang alitan.

Naging usap-usapan sina Wilbert at Zeinab noong nakaraang taon kasunod ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng manager nina Herlene “Hipon” Budol at Madam Inutz at ng sikat na vlogger.

BASAHIN: Timeline: Paano humupa ang bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake?

Matatandaang umabot din sa puntong nagbahagi si Wilbert ng mga screenshot na naglalaman ng mensahe kung saan kinokonsulta niya si Zeinab tungkol sa pakikipagtulungan sa ibang content creators na sina Robi Domingo, Sanya Lopez, Ivana Alawi at iba pa.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Ilang buwan matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan, isiniwalat ni Wilbert na naayos na nila ni Zeinab ang kanilang alitan.

BASAHIN: Nagbardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, bati na

Sa panayam ng PEP.ph sa pagbubukas ng kaniyang bagong negosyo, aniya, “Okay naman kami. After the issue, nag-sorry naman siya sa akin. Nag-usap naman kami talaga nang heart-to-heart talk.

“Siyempre, kahit sabihin natin na nagkaroon kami ng malalim na gap, still, ini-honor ko siya as one of my mentors pa rin sa vlog industry. Sama ng loob? On my part, wala na talaga,” dagdag pa niya.

Inimbitahan din umano niya si Zeinab sa grand opening ng kaniyang restaurant.

"Ang sabi ko sa kanya, 'Hi Mima! Bukas grand opening ko sa Tokyo Grill Unlimited Japanese restaurant. Kung keri mong mag-drop by, treat po kita.'

"Hi, Ma, I'm sorry. Off ng yaya ni Bia and may sched po ako tomorrow. But thank you po sa invite," sagot ni Zeinab.

Mariin namang itinanggi ni Wilbert na gimik lang ang nangyari sa pagitan nila para lang maging trending o tumaas ang view sa kanilang vlogs.

“Ay hindi, hindi ko pagkakakitaan yung content na yan.

"On my part, nagsabi lang ako ng totoo. And bilang mentor ko siya, bilang negosyante, gusto ko rin naman na gabayan ko siya," diretsahang sagot ni Wilbert.