Sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda ang isang netizen, matapos mapansin at kuwestiyunin kung bakit hindi kasama ang pangalan niya sa listahan ng mga "Top Taxpayers" na pinarangalan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), noong Miyerkules Marso 8.

Tweet ng netizen, "I am actually shocked Vice Ganda was not included sa top taxpayers."

Deretsahang sagot naman ni Meme Vice, "FYI, 'yung nasa news po ay mga top taxpayers ng RDO (RegionalDistrictOffice) 39. I am one of the Top Taxpayers of RDO 38. I was invited sa ceremony noong Feb 27 pero di po ako naka attend."

"Hello meme, I don't have any wrong intention sa tweet ko, I was reading the article and I missed na wala ka po sa list na 'yun. 'Cause I'm expecting na kasali ka doon. Ibang RDO pala sorry na po," sagot naman ng netizen matapos magbigay ng paliwanag si Meme Vice.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Yes po I know naman. Kaya nag FYI lang ako para sa mga nagtatanong din. All good. GV lang," sey ni Meme Vice.

Ang mga pinarangalan ng BIR ay sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Anne Curtis, Bugoy Drilon, Coco Martin, Daniel Padilla, Jed Madela, Judy Ann Santos, Liza Soberano, Maja Salvador, Mel Tiangco, Michael V, Mike Enriquez, Sarah Geronimo, Vic Sotto, at Willie Revillame.

Samantala, personal naman na tinanggap ng Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla "KathNiel" ang kanilang award mula sa BIR, na ginanap sa Fisher Mall sa QC.

Ang Kapamilya couple ang nakakuha sa una at pangalawang puwesto ng mga celebrity top taxpayers.