Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 6, na ibabalik na nito ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila sa Martes, Marso 7, kahit mayroon pang transport strike.

Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes, mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa gitna ng pagkakaroon ng tigil pasada ng mga jeep ngayong Lunes.

Dahil dito, hindi na umano nila palalawigin pa ang pagsususpinde ng number coding kahit na magpapatuloy pa rin ang transport strike bukas.

Matatandaang sinuspinde ng MMDA ang number coding ngayong Lunes dahil sa pagsisimula ng week-long transport strike ng mga transport groups bilang pagtutol nila sa nakaambang jeepney phaseout sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inaasahang magpapatuloy ang nasabing strike hanggang sa darating na Linggo, Marso 12.