“You cannot erase EDSA People Power from our nation's history. Even if you don't like it.”

Ito ang pahayag ni P3PWD Party List nominee Atty. Rowena Guanzon bago ang komemorasyon ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Sabado, Pebrero 25.

Binanggit ni Guanzon ang nasabing pahayag sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Pebrero 24.

Samantala, sa hiwalay na tweet, hinikayat ni Guanzon ang publiko na lumahok sa People Power commemoration march ngayong araw.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Feb 25 People Power commemoration march. Punta kayo!” ani Guanzon.

“General Program of Feb. 25 Truth rally: 9 A.M. Assembly at EDSA Shrine, Program, Mass at Shrine 2 P.M. March to PPM; Program,” dagdag na kalakip sa kaniyang post.

Ginugunita taon-taon ang EDSA Revolution tuwing Pebrero 25, dahil Pebrero 25 ng taong 1986 nang magmartsa ang libo-libong mga Pilipino sa EDSA at tagumpay na pinatalsik sa Malacañang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.. Pinalitan naman si Marcos ni dating Pangulong Corazon Aquino na sumumpa naman noong araw ding iyon.