Panalo kaagad ang unang sabak ni dating National Basketball Association (NBA) power forward Rondae Hollis-Jefferson sa PBA Governors' Cup matapos ilampaso ang Blackwater Bossing, 138-116, sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Miyerkules.

Humakot ng 37 points si Hollis-Jefferson, dagdag pa ang 13 rebounds at pitong assists.

Hindi rin nagpahuli ang teammate na si Roger Pogoy na kumana ng 40 points at siyam na rebounds.

Sa umpisa pa lamang ng laban, nakontrol na ito ng Tropang Giga hanggang sa tuluyang makuha ang ikalimang sunod na panalo sa kanilang anim na laro.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa kabila, naniniwala naman si TNT coach Jojo Lastimosa na hindi pa nailalabas ni Hollis-Jefferson ang husay nito sa paglalaro.

Hindi rin aniya matakaw sa bola ang nasabing import dahil lahat ng kakampi ay binibigyan ng pagkakataong tumira.

Dating naglaro sa Brooklyn Nets (2015-2019), Toronto Raptor (2019-2020) at Portland Trail Blazers (2021) si Hollis-Jefferson.

Naka-22 points naman ang import ng Bossing na si Troy Williams at wala pa itong nanalo sa loob ng tatlong laro. 

Ito na ang ikaanim na pagkatalo ng Blackwater sa pitong lar