Nakatakdang ilunsad ng Department of Health (DOH) ang kanilang “KaHEARTner Campaign” sa Ilocos Region sa Pebrero 20, 2023.

Ang launching ng naturang kampanya na may temang “Move More! Eat Right!,” ay isasagawa sa Saint Louis Colleges Auditorium, bilang bahagi nang pagdiriwang ng buwan ng mga puso.

Layunin nitong pataasin ang kaalaman ng publiko at hikayatin ang mga ito na suportahan ang adbokasiya ng pamahalaan na nagsusulong ng cardiovascular health at wellness.

“This campaign will be piloted in the province of La Union, to promote fitness and healthy diet including literature on the importance of physical activity in preventing heart disease,” ayon kay Regional Director Paula Paz Sydiongco, sa isang pahayag nitong Lunes.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

“People should pair healthy eating with exercise and aim for at least 20 minutes of moderate to intense physical activity per week. Kailangan nating igalaw-galaw ang ating katawan dahil ang ating puso ay isang muscle na nangangailangan ng regular na ehersisyo upang maging malusog at malayo sa anumang sakit,” aniya pa.

Ang ‘KaHEARTner campaign’ ay magtatampok rin ng isang dance contest na bukas para sa lahat ng mga mag-aaral ng high school at kolehiyo sa loob ng lalawigan ng La Union.

Alinsunod sa mechanics ng paligsahan, maaaring sumali ang isang grupo na may 7-15 miyembro, lalaki man o babae o pareho at ang kanilang sayaw ay dapat na tumagal lamang ng mula 5-7 minuto.

Dapat ding bigyang-diin sa komposisyon ng sayaw ang tema ng event at mahigpit na ipinagbabawal ang bulgar at mahalay na pagsayaw.

Maaari naman anilang gumamit ng mga props at iba pang materyales na kailangan para sa mga visual; at ang musika naman na gagamitin sa sayaw ay hindi dapat naglalaman ng mga hindi angkop o offensive na content.

Anang DOH-Ilocos Region, ang mga pamantayan sa paghusga ay ibabatay sa sumusunod: Choreography – 25%, Originality at Creativity – 25%, Audience Impact – 20%, at relevance at emphasis – 30%.

Magsisimula ang pagpaparehistro para sa dance contest ngayong Martes, Pebrero 14, 2023.

Maaaring magparehistro online ang mga interesadong partido, sa pamamagitan ng link nabit.ly/kaHeartner.

Ang mga mananalo sa kumpetisyon ay makapag-uuwi ng ₱15,000 para sa unang gantimpala; ₱10,000 para sa ikalawang gantimpala; ₱8,000 – ikatlong gantimpala; at ₱5,000 para sa consolation prize.

“Ipagdiwang natin ang buwan ng puso na may malusog na pamumuhay. Maging aktibo, magpanatili ng ideal na timbang sa katawan, lumayo sa mga bisyo at pamahalaan ang iyong stress,” paalala pa ni Sydiongco.

Ang Buwan ng Puso ng Pilipinas ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero mula noong 1973 sa bisa ng Proclamation No. 1096 na nilagdaan noong Enero 9, 1973 na naglalayong isulong ang kamalayan sa sakit sa puso bilang isang seryoso at lumalaking alalahanin sa kalusugan ng mga Pilipino.