Ngayong buwan ng pag-ibig, hindi maikakailang mayroon pa rin sa atin ang gagawin ang lahat para sa taong minamahal. Hindi bago riyan ang panggagayuma na ang maaaring kaakibat daw ay ang batas ng karma?

Hindi lang ang kilalang burluloy o love potion naidadaan ang panggagayuma. Sa katunayan, ayon sa isang patok na local psychic online, mayroon limang iba pang paraan para isakatuparan ito.

Ayon kay Babaylan Tata Adlaw na nagmula pa sa pamilya ng mga manggagamot at spiritual healers, hindi lang sa ilang uri ng likido kayang ipamalas ang kapangyarihan ng pang-aakit sa taong ginugusto.

Bukod dito, narito ang sumusunod na paraan ng panggagayuma:

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Gayuma gamit lang ang buong pangalan at larawan ng isang tao

“The full name of the garment is written on a piece of paper, and placed it under the pillow of the farmer. It seems to be more effective when the image is used. This is done to keep the mind of the person who is trying to get him to stop,” paglalarawan ni Tata Adlaw sa proseso

Gayuma sa pamamagitan lang ng titig

Para mapasunod ang isang tao, ang isang titig na sumailalim sa isang makapangyarihang ritwal ay kayang baguhin ang takbo ng isang puso, o isipan ng tao. Dagdag pa ng ilang sagradong orasyon, ang uri ng panggagayumang ito ay epektibo madalas laban sa mga taong kinasusuklaman.

Gayuma gamit ang laway

Ang paraan ng panggagayumang ito ay isa sa mga karaniwang ritwal umano para mapaamo ang isang tao. Naisasakaturapan ito sa pamamagitan ng intensyonal na paglalagay ng laway sa pagkain ng taong nais na makuha ang loob, puso o isipan.

Gayuma gamit ang buhok

Kabilang sa mga kaugnay na bagay nito ang kuko, damit, at iba pang personal na kagamitan ng isang tao na sasailalim sa isa ring ritwal para mapasunod o makontrol ito.

Gayuma gamit ang pabango

“This kind of thing is now on the internet. Many of them say that it is still the work of the farmers in Siquijor and Quiapo. They say that it is only necessary to mix it with perfume and use it whenever the person is attracted to or meet. It can also be used in business to attract customers,” ani Tata Adlaw.

Basahin: Gayuma, patok na rin pala online; serbisyong ‘pilit-pag-ibig,’ mabenta bago ang Valentine’s Day – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kadalasa’y bote na may lamang iba’t-ibang uri ng halaman, papel na may Latin spell, langis, anito, at buntot ng pagi ang kadalasang sangkap sa mga ibinebentang burluloy na ito sa kilalang simabahan ng Quiapo.

Nagkakahalaga ng P500 ang karaniwang kada-piraso ng naturang “pabango.”

Babala naman ng psychic sa mga parokyano, ilang negatibong epekto ang maaaring maranasan lalo pa kung madaling kukuha ng serbisyo online at pawang walang karanasan ang napiling gagawa ng ritwal.

Kabilang na rito ang maaaring magambalang masasamang ispiritu na maaaring maningil hanggang sa panaginip ng isang tao.

Sa paraan ng gayuma na may masamang intensyon o barang sa malinaw na salita, ang epekto nito ay maaaring literal na pagtamasa sa mga sariling hiniling na perwisyo para sa isang katunggali. Kadalasan itong nangyayari sa mga taong ang piniling biktima ay sumasailalim ng matinding gamutan sa sakit, pagpapatuloy ni Tata Adlaw.

Sa madaling sabi, ang batas ng karma ay malinaw na sangkot umano sa ritwal ng gayuma.

Kaya payo ng local psychic: “To avoid negative effects, it is necessary to adhere to the proper process, and only those who have knowledge and experience in performing rituals know it.”