Ginulat ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang mga tagasubaybay ng ABS-CBN teleserye na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" sa finale nito, Biyernes ng gabi, Pebrero 10.

Ginampanan ni Celeste ang papel ni "Kevnar" na siyang reyna ng planetang Marte, kung saan galing ang bato ni Darna. Nagbigay-pugay ito sa kabayanihang a ipinamalas ni Darna upang sagipin ang buong kalawakan matapos nitong talunin si Borgo, na siyang naghasik ng lagim sa bayan ng Nueva Esperanza.

“Tunay kang anak ng magiting na mandirigmang si Zorra, matapang at maaasahan… Karapat-dapat kang maging protektor,” lahad ng reyna kay Darna.

Tila may part 2 naman ang nasabing teleserye dahil binalaan ng reyna si Darna na may mga paparating pang panganib at kailangang nitong maging handa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Agad naman dinomina ng Darna ang online world kasabay ng pagiging trending ng mga eksena patungkol sa serye.

Screengrab mula sa Twitter

Celeste Cortesi (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Celeste Cortesi (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Samantala, ibinahagi naman ni Celeste sa kanyang Instagram account ang mga behind-the-scene photos niya sa kanyang naging cameo role kasabay ng pagpapasalamat nito sa produksyon.

“Just like Darna.. lumaban at patuloy na lalaban."

"Taking on the role of Kevnar, The Queen of Marte is definitely a new experience and challenge. Just like any other challenge, I take it as an opportunity to learn and to grow. It is true that when one door closes, another one opens, it's all about seizing the moment and being grateful for the chance to work hard and to learn more about myself."

"Here is to new beginnings and to new adventures."

"Thank you to everyone at ABS-CBN and Darna for allowing me to be a part of this iconic show that celebrates women empowerment,” aniya.

Celeste Cortesi (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Celeste Cortesi (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Matatandaang sa naganap na Miss Universe noong nakaraang buwan, nag-ala Darna si Celeste sa kaniyang national costume, at bagama’t hindi pinalad na makapasok ang beauty queen sa finals ng pageant, umani pa rin ito ng papuri. Bagay rin umano sa kaniyang gampanan ang naturang iconic Pinay superhero.