Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 na bagong kaso ng Covid-19 nitong Sabado, Enero 28.
Ang mga aktibong impeksyon sa buong bansa ay bahagyang bumaba sa 10,0382 kumpara sa 10,094 na aktibong kaso na naitala noong nakaraang araw.
Ang National Capital Region ay nagtala pa rin ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 858.
Pumangalawa ang Calabarzon na may 433 kaso, Western Visayas na may 256, Central Luzon na may 216, at Davao Region na may 196.
Ang paggamit ng hospital bed ng Pilipinas ay nanatiling nasa low-risk status na may occupancy rate na 18.6 percent.
Sinabi ng DOH na 4,978 hospital beds ang kasalukuyang okupado, habang 21,806 ang bakante.
Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ay nasa 4,072,844, kabilang ang 3,997,049 na nakarekober at 65,757 na nasawi.
Analou de Vera