Nagpahayag ng pagkatuwa si dating Bise Presidente Leni Robredo hinggil sa pagpapawalang-sala ng Court of Tax Appeals (CTA) kay Maria Ressa.
"Truth and light prevailed today. To more ahead, @mariaressa!" saad ni Robredo sa kaniyang Twitter account nitong Miyerkules, Enero 18.
“Failure of the prosecution to prove the guilt beyond reasonable doubt.”
Iyan ang desisyon ng Unang Dibisyon ng Tax Court, pabor sa napawalang-sala na si Ressa at kompanya nito.
Sa isang pahayag, naniniwala ang NUJP na ang mga kaso tulad ng kanila Ressa at Rappler ay naglalarawan ng dumaraming paggamit ng batas para sa paghihiganti laban at para sa pananakot laban sa mga mamamahayag.
Ang kaso ay isinampa noong 2018 ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kabiguan nina Ressa at Rappler na magdeklara ng P162.41-million na tubo mula sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) noong 2015.
BASAHIN: