Usap-usapan ngayon ang post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang mga video at litrato ng lechong baboy na nabili niya noong nagdaang holiday season, kung saan kapansin-pansin daw na hilaw, may dugo-dugo pa, at may naiwan pang lamang-loob.

Salaysay umano ng uploader na si Michelle Halasan, may nag-ooffer daw sa kaniya na taga-lugar lamang nila.

"May nag-offer sa akin dito sa amin nasa 60 kilos daw. ₱12k tapos + ₱1500 sa magle-lechon daw. Pumayag ako dahil sa bukod sa malapit lang dito, nagdadala siya sa amin dito ng mga baboy na katay para pang-ulam, regular costumer na niya kami," sey ni Michelle ayon sa ulat.

Ngunit hindi raw kinaya ni Michelle nang ideliver na ang lechon, at hilahin na ang nakasuksok na tubong ginamit sa pagluto. Umagos daw ang dugo ng baboy mula sa loob. Nang hiwain daw ito ay talagang hilaw pa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Tapos nung hinati 'yung upper part mula leeg at ulo ay may naiwan pa doon na lamang-loob na hilaw," aniya pa.

Michelle Halasan via FB page ng Tamaraw News

Sa halip na itapon ay muli nilang nilechon ang baboy at tumagal umano ng anim na oras ang kanilang proseso bago ito natusta at naluto.

Bumuhos naman ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Nakuuu… nabudol kayo madam damontres na maglelechon yan me gawa niyan dapat siya lechonen."

"Sa balat pa lang di pantay-pantay ang luto parang sunog-sunog ang ibang bahagi. Di marunong maglechon gumawa niyan."

"Minadali na lang niluto… malakas ang apoy niya kaya ganiyan sunog na yung balat niya."

"Baka mamaya niyan kinulayan na lang ng barnis para lang masabing naluto…"

"Kakaloka, manloloko sila. Bawiin mo yung binayad mo!"

Samantala, wala pang update si Michelle kung nabawi ba niya ang perang ipinambayad sa nag-lechon, o maging ang kaniyang napagbilhan.