Inaresto ng Nueva Ecija police ang limang wanted persons at isang drug trader, Miyerkules, Disyembre 28.

Sinabi ni Police Colonel Richard Caballero, Officer-in-Charge ng. Nueva Ecija Police Provincial Office, na nagsagawa ng Manhunt Charlie Operations ang iba't ibang police station sa kanilang lugar na nagresulta sa pagkaka-aresto ng limang wanted person.

Inaresto ang mga ito sa bisa ng Warrant of Arrest para sa imprudence resulting in serious physical injuries, violation of RA 9262, violation of RA 9165, at estafa. 

Samantala, naaresto naman ang 24-anyos na babaeng drug trader sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng Cabanatuan City Police.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakuha sa kaniya ang P500 buy-bust money at 0.6 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang P4,080.

Sasampahan ng kaso ang babae ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.