Inaasahang tataas pa at aabot na sa mahigit ₱470 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Biyernes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na wala pa ring mananaya ang pinalad na makahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 32-34-19-06-27-35 na binola noong Martes, Disyembre 20.

Dahil dito, hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong premyo na₱446,857,427.60 kaya’t inaasahang madaragdagan pa ito sa bola mamayang gabi.

Mayroon namang 24 na mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, batay pa rin sa jackpot estimates ng PCSO, inaasahang aabot na rin sa mahigit₱113 milyon ang premyo ng MegaLotto 6/45 na maaaring mapanalunan sa gagawing pagbola dito ngayong Biyernes rin ng gabi.

Ang premyo naman ng GrandLotto 6/55 na bobolahin sa Sabado ng gabi, Disyembre 24, ay inaasahang papalo na rin sa₱96 milyon.

Patuloy namang hinihikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.