Nagkaroon na ng kaso ng anthrax sa Cagayan, ayon sa Department of Agriculture (DA)-Region 2.

Pinagbatayan ng DA ang ulat ni Provincial Veterinary (PVET) office chief Dr.Myka Ponce, na nagsasabing apat na kalabaw sa Sto. Niño sa Cagayan ang tinamanng sakit.

Gayunman, dalawa sa apat na kalabaw ang kinatay at naibenta ng mga may-ari sa Barangay Annafatan sa Amulung.

Nauna nang naiulat ng PVET-Disease Surveillance Task Forcena nakitaan ng mga sintomas ng sakit ang apat na kalabaw sa Brgy. Calassitan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakumpirma lang na nahawaan ng sakit ang mga kalabaw matapos magsagawa ng masusing imbestigasyon angPVET, Sto. Niño Office of the Municipal Agriculturist, Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, Animal Health and Welfare Unit ng Regulatory Division ng Department of Agriculture (DA) sa Region 2, at Department of Health (DOH)-Cagayan Valley.

Binabantayan na ngayon ng PVET ang 73 katao sa Brgy. Calassitan matapos malantad sa sakit, bukod pa ang 60 residente ng Brgy. Annafatan, Amulung na na-expose rin sa karne ng bakang nahawaan ng anthrax.

Noong Marso 2010, isa ang naiulat na namatay sa sakit matapos kumain ng double-dead na karne ng kalabaw sa Lasam, Cagayan.

Binawian ng buhay ang nasabing pasyente dahil sa heart attack na pinaghihinalaang pinalala ng epekto ng anthrax disease, ayon sa provincial health office.

Ayon sa mga eksperto, ang anthrax ay mapanganib na sakit na sanhi ng isang uri ng bakteryananabubuomula sa isang spore na tinatawag na Bacillus anthracis.

Ang mga tao ay naiimpeksyon ng anthrax sa pamamagitan ng paghawak sa mga produkto mula sa mga kontaminadong mga hayop okaya'ysapagkalanghapng spores mula sa kontaminadong produkto ng mga hayop.Ang pagkain ng hindi gaanong lutong karne mula sa isang kontaminadong hayop aymaaariring maging sanhi ng pagkaimpeksyon.