Flinex ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang bagong Mega Dialysis Center ng lungsod, Martes, Disyembre 20.

Ayon kay Sotto, isa raw ito sa pinakamalaking dialysis center sa buong bansa.

"Sa 79 machines, isa ito sa pinakamalaking dialysis center sa buong bansa! Mula 42 machines (champ, manggahan, pcgh), nasa 119 na ang total bilang ng dialysis machine ng LGU natin ngayon," anang alkalde sa kaniyang Facebook post.

Kaya raw nitong ma-accommodate ang kalahati sa 800 dialysis patient na tinutulungan ng lungsod.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Paalala ng alkalde, first come first served basis ang pagpunta sa dialysis center para raw patas.

"First-come first-served basis tayo para patas. Para naman sa mga hindi pa kayang i-accommodate ng mga pasilidad natin, magtataas tayo ng financial assistance sa fiscal year 2023. Salamat sa lahat ng nagtrabaho para sa PPP na ito, kasama ang Premiere101," aniya.

"Patuloy na #UmaagosAngPagasa sa Lungsod Pasig!"

Pinangunahan ni Sotto ang paglulunsad ng Mega Dialysis Center kasama sina Vice Mayor Dodot Jaworski, Pasig City Rep. Roman Romulo, Pasig City Kidney Patients’ Association President Willie Dexter Goleta, Premier 101 Healthcare Management, Inc. COO Philip Lim, at iba pang opisyal ng lungsod. 

Matatagpuan ang 1,390-square meter facility sa Eusebio Ave. sa Barangay San Miguel.