Guilty sa kasong cyber libel ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 sa isang Baguio-based reporter nitong Martes, Disyembre 13, dahil sa kanyang Facebook post laban kay dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol noong 2017.

Ayon sa ulat ng DZBB Super Radyo, si Frank Cimatu ng Rappler ay sinentensiyahan ng anim na buwan hanggang limang taong pagkakakulong matapos siyang hatulan ng korte na guilty sa krimen ng cyber libel.

Sinabi rin sa ulat na inutusan si Climatu na magbayad kay Piñol ng P300,000 para sa moral damages.

Nag-ugat ang kaso sa Facebook post ni Cimatu noong 2017 na nagsasaad na ang dating kalihim ng DA ay nakakuha ng P21 milyon sa loob lamang ng anim na buwan sa panunungkulan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi sa ulat na napatunayan ni Piñol na tumaas ang kanyang net worth mula 2009 hanggang 2016 habang wala pang serbisyo sa gobyerno.

DIANN IVY CALUCIN